Lugi ang negosyo sa dami ng holiday?!
@Editorial | April 23, 2023
Inirekomenda ng Department of Trade and Industry (DTI) ang paglimita sa mga annual holiday sa Pilipinas nang hanggang sa sampu lamang.
Ito ay dahil na rin sa naging ‘issue’ na umano para sa business sector ang napakaraming holidays sa bansa. Ang 10 regular holiday ay ang sinusunod ng mga international organizations.
Kung mangyayari ito, malilimitahan na lamang ang mga Pilipino nang hanggang sa 10 regular holiday, at hindi na maisasama ang All Saint’s Day at New Year’s Eve, batay na rin sa rekomendasyon ng DTI.
Gayunman, kinikilala pa rin ang mga special non-working holidays.
Bagama’t maraming problema ang bansa, hindi naman siguro kalabisan na pag-aralan din ang sinasabing napakaraming regular holiday.
Batid naman natin na hindi pa tuluyang nakakabangon ang ekonomiya sa epekto ng pandemya.
Maraming negosyo pa rin ang todo-kayod para makabalik.
Napakahalaga rin na napakikinggan ang opinyon ng mga sektor na direktang naaapektuhan ng mga batas o panuntunan na ipinatutupad ng pamahalaan.



Comments