Lucky Julliane at More or Less nagpadehado sa WTA ng SLLP
- BULGAR

- Feb 19, 2021
- 2 min read
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | February 19, 2021
Naghatid ng magandang dividendo sa Winner Take All (WTA) ang pagkakapanalo ng tatlong dehado sa karerang naganap noong Miyerkules ng gabi sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) sa Carmona, Cavite.
Nagkaloob ng dividendo sa halagang P828,032.20,sa bawat P2.00 taya sa kombinasyon na 3/8/12/6/2/9/2,12/3 sa WTA na nagsimula sa Race 3 hanggang Race 9.
Sa simula pa lang ng WTA pumutok ang dehadong Don Albertine na nagbigay sa Forecast ng P57.00 at kasunod ang Race 4 na napagwagian ng More or Less na nagkaloob ng double na 3/12 ng P241.00 at naghatid sa Forecast 7/4 na P94.00, TRI 7/4/12 P250.60 sa Quartet 7/4/12/5 sa P901.20, Pentafecta 7/4/12/5/14 ng P5,006.00.
Lalong nagpadehado ang pagkakapanalo ng Lucky Julliane nang talunin ang super outstanding na Star Is Born na nagbigay ng P2,334.50 sa forecast na 2/1, naghatid ng P5,017.80 sa trifecta 2/1/13 , DailyDouble 6/2 ng P2,432.50,at CarryOver sa Quartet na P19,390.50,Pentafecta na P10,769.40 at sa super Six CarryOver ng P32,872.36.
Sa Race 7 nanalo ang Double Rock na nagbigay ng P129,199.40, sa Pick 6 na may kombinasyon na 7/3,8/12/6/2/9, sa Race 8 nanalo ang liyamadong Stardust. Sa Race 9 nanalo ang dehadong Fabulous Star na nagbigay ng magandang dividendo sa Pick 4 sa kombinasyon g 2/9/2,12/3 na nagkaloob ng P11,086.40, sa 2nd Pick 6 sa kombinasyong 12/6/2/9/2,12/3 na nagbigay ng P60,337.60.
Pick 5 sa kombinasyong 6/2/9/2,12/3 na may dividendong P35,451.60, at WTA sa kombinasyong 3/8/12/6/2/9/2,12/3 na nagbigay ng P828,032.20,
RACE 01 – EXCEPTIONAL (9)Finish: 9/8/1/7/5 P5.00 WIN 9 P5.50,P5.00 FC 9/8 P60.50,P2.00 TRI 9/8/1 P114.00,P2.00 QRT 9/8/1/7 P693.00. P2.00 PEN 9/8/1/7/5 P10,446.40 RACE 02 – PRINCESS ISABELLE (7)Finish: 7/4/12/5/14/9,P5.00 WIN 7 P5.00,P5.00 FC 7/4 P94.00,P2.00 TRI 7/4/12 P250.60,P5.00 DD 9/7 P9.00,P2.00 QRT 7/4/12/5 P901.20,P2.00 PEN 7/4/12/5/14 P5,006.00,SIX CarryOver P4,460.66




Comments