ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 12, 2024
Inihayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chair Teofilo Guadiz III na handa silang harapin ang dalawang-araw na transport strike sa susunod na linggo.
Sinabi ni Guadiz na itatalaga ng LTFRB at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang mga tauhan at sasakyan sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng kilos-protesta ng Manibela at Piston.
Inilarawan niya rin na hindi na bago sa kanila ang ginagawa ng Manibela at Piston.
Noong Huwebes, inanunsiyo ng dalawang transport groups na magdaraos sila ng welga sa loob ng dalawang araw simula Abril 15 upang iprotesta ang papalapit na deadline ng franchise consolidation sa ilalim ng Public Utility Vehicle (PUV) Modernization Program.
Matatandaang nagsagawa ang Manibela at Piston ng ilang mga welga laban sa deadline ng franchise consolidation mula noong nakaraang taon.
Comentários