- BULGAR
LRT2, limitado ang operasyon dahil sa nasirang catenary wire
ni Lolet Abania | July 31, 2022

Nilimitahan ang operasyon ngayong Linggo ng Light Rail Transit-Line 2 (LRT2) dahil sa isang nasirang catenary wire sa pagitan ng Legarda at Pureza eastbound stations.
Sa isang tweet, ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), nagsasagawa sila ng isang provisionary service mula sa V. Mapa hanggang Antipolo at vice versa.
Gayundin, sinabi ng LRTA na isinasaayos pa rin ng kanilang engineering at maintenance team ang naging isyu habang agad ding ire-resume ang full train operations.