LRT-1, aminado sa palpak na NBI signage
- BULGAR
- Mar 16, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | March 16, 2024

Aminado ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa maling signage ng isa nilang istasyon at agad na tinakpan ang maling pagkakagawa ng baybay ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Taft Avenue station.
Ayon sa post sa X ng LRT-1, “That one signage might be a little ‘letterally challenged’ sometimes, but to rest assured our trains are running smoothly to bring you safely where you need to go.”
Siniguro rin nilang inaayos na ng kanilang grupo ang updated na signage.
Hindi naman nakalimutang pasalamatan ng LRT Spokesperson na si Jacqueline Gorospe ang mga netizens na pumuna sa kanilang palpak na signage.




Comments