LPG sumabog... 3-anyos, 3 pa, na-trap sa sunog
- BULGAR

- 11 hours ago
- 1 min read
ni Gina Pleñago @News | August 22, 2026

Photo: Courtesy Brgy. 106 Pasay CCTV
Apat ang kumpirmadong patay, kabilang ang tatlong taong gulang na paslit, habang apat ang sugatan sa sunog na sumiklab sa Pasay City, Biyernes ng hapon.
Hindi pa tinukoy ng mga tauhan ng Pasay Bureau of Protection (BFP) ang pagkakakilanlan ng mga biktima na isang lolo, isang lola, tatlong taong gulang na bata at kanyang tiyahin na pawang na-trap sa sunog na nagsimula ala-1:35 ng hapon sa bahay ng mga nasawi sa Tengco St., Tramo, Brgy. 107.
Isinugod naman sa pagamutan ang apat na nasugatan, kabilang ang isang babae na nalapnos ang malaking bahagi ng katawan habang dalawa pang babae at isang lalaki ang nagtamo rin ng sugat.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, bumagsak ang ikalawang palapag kaya naging pahirapan ang pagrekober sa mga katawan.
Tinatayang nasa 30 pamilya naman ang apektado ng sunog.
Iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng sunog at halaga ng mga napinsalang ari-arian subalit may nagsasabing sumabog na liquified petroleum gas (LPG) ang narinig bago ang sunog.





Comments