Detalye sa 'ghost project' probe, inilantad... Lacson, sabit sa Ombudsman

ni Mylene Alfonso @News | October 7, 2026

Photo: Baste Duterte - Senate PH
Nakuwestiyon ang patuloy na pagsasapubliko ni Sen. Panfilo 'Ping' Lacson ng mga detalye kaugnay ng reklamo laban kay Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano kahit naisumite na ang mga dokumento sa Office of the Ombudsman at isinasailalim na umano sa preliminary investigation.
Naglabas si Lacson sa social media ng 25-segundong video mula sa joint field inspection ng Ombudsman, Philippine Reclamation Authority (PRA), Land Registration Authority (LRA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Taguig Lakeshore.
Ayon sa ilang legal practitioner, maaaring saklaw ng confidentiality rules ng Ombudsman ang mga detalye ng isinasagawang imbestigasyon, kabilang ang testimonya at ebidensyang isinumite.
Nag-ugat ang sigalot sa mga alegasyon ni Lacson hinggil sa umano’y 32 “ghost” flood control at slope protection projects sa Taguig at sinasabing ilegal na pagtatambak sa bahagi ng Laguna Lake.
Mariin namang itinanggi ng kampo ni Cayetano at ng Taguig City government ang mga alegasyon at iginiit na mga pambansang ahensya, kabilang ang DPWH, ang mga proponent ng mga naturang proyekto.





Comments