BOC, kinastigo sa anti-smuggling drive

ni Mylene Alfonso @News | October 7, 2026

Photo: Boying Remulla - Office of the Ombudsman
Pinuna ni Ombudsman Jesus Crispin 'Boying' Remulla ang umano’y kawalan ng kooperasyon at pagkaantala ng Bureau of Customs (BOC) sa pagbibigay ng mahahalagang impormasyon para sa imbestigasyon at pagsasampa ng mga kaso laban sa mga smuggler.
Aniya, nakahahadlang sa anti-smuggling campaign ang delayed submission ng datos at hindi kumpletong dokumentasyon na maaaring humantong sa pagkaka-dismiss ng mga kaso.
Aniya, nakipagpulong na ang Ombudsman sa BOC at Department of Justice upang tugunan ang problema.
Kamakailan, ilang BOC personnel ang nasangkot sa magkahiwalay na operasyon sa Bulacan kaugnay ng frozen chicken meat at smuggled cigarettes.
Nauna ring nanawagan si Sen. JV Ejercito kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na paigtingin ang paglilinis sa hanay ng ahensya, partikular sa Customs Intelligence and Investigation Service.





Comments