LPA sa Eastern Visayas, posibleng maging bagyo
ni Lolet Abania | October 25, 2022

Posibleng madebelop ang low pressure area (LPA) na namataan sa Eastern Visayas na maging isang tropical depression sa loob ng 72 oras, ayon sa PAGASA ngayong Martes.
Sa kanilang 11AM bulletin, sinabi ng PAGASA na ang LPA ay matatagpuan sa layong 820 kilometro silangan ng Eastern Visayas ng alas-10:00 ng umaga.
Ayon sa PAGASA, ngayong taon, may kabuuang 15 tropical cyclones ang maaaring mabuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Samantala, asahan na ang shear line at ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ay magdudulot ng mahina hanggang sa intense heavy rains sa ilang bahagi ng bansa.
Makararanas naman ng katamtaman hanggang sa malalakas at paminsan-minsang matinding pag-ulan sa Aurora, Quezon, at Eastern Visayas.
Habang mahina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsang malalakas na pag-ulan ang asahan sa Cagayan, Isabela, Apayao, natitirang bahagi ng Central Luzon, Metro Manila, Rizal, Laguna, Central Visayas, Caraga, at Northern Mindanao.
“Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are likely, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazards as identified in hazard maps and in areas with significant antecedent rainfall,” pahayag ng PAGASA.
“The public and disaster risk reduction and management offices concerned are advised to take all necessary measures to protect life and property,” dagdag pa ng state weather bureau





Comments