LPA, namataan sa Tuguegarao; Habagat magpapaulan sa bansa
ni Lolet Abania | August 17, 2022

Dalawang weather systems ang magdudulot ng mga pag-ulan sa buong bahagi ng bansa sa susunod na 24 oras, ayon sa PAGASA ngayong Miyerkules.
Batay sa 4PM weather forecast ng PAGASA, isang low pressure area (LPA) ang namataan sa layong 250 kilometro east ng Tuguegarao City, Cagayan ng alas-3:00 ng hapon habang ang Southwest Monsoon (Habagat) ay magpapatuloy na makaapekto sa western sections ng Northern at Central Luzon.
Ang LPA at Habagat ay magdudulot ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms sa buong Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Bicol Region, Quezon, Aurora, Zambales, at Bataan.
Posibleng magkaroon ng flash floods o landslides sanhi ng katamtaman at paminsan-minsang malakas na mga pag-ulan.
Makararanas naman ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na mga pag-ulan o thunderstorms.
Pinapayuhan ang mga residente na maging mag-ingat sa posibleng flash floods o landslides sa severe thunderstorms.
Ayon pa sa PAGASA, “The whole archipelago will experience light to moderate wind speeds, while coastal water conditions will be slight to moderate, ranging from 0.6 to 2.5 meters.”





Comments