LPA, namataan sa Eastern Samar, Albay
ni Lolet Abania | August 4, 2022

Isang low pressure area (LPA) ang namataan na tinatayang nasa layong 255 kilometro north ng Guiuan, Eastern Samar o 170 kilometro east ng Legazpi City, Albay ng alas-3:00 ng hapon ngayong Huwebes, ayon sa PAGASA.
Gayundin, minomonitor ng weather bureau ang isang active tropical cyclone sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ang tropical depression ay matatagpuan sa layong 845 kilometro west northwest ng Extreme Northern Luzon na may maximum sustained winds ng 45 kilometro kada oras, gustiness na aabot ng hanggang 55 kilometro kada oras, habang kumikilos ito west-northwest ng 15 kilometro kada oras.
Base sa 4PM daily weather forecast ng PAGASA na sanhi ng LPA, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms sa buong Mimaropa, Bicol Region, Visayas, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at Quezon Province.
Pinapayuhan ang mga apektadong residente na mag-ingat sa posibleng flash floods o landslides sanhi ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsang malalakas na mga pag-ulan.
Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na mga pag-ulan o thunderstorms sanhi ng Southwest Monsoon o Habagat.
Sinabi rin ng PAGASA na maaaring magkaroon ng mga flash floods o landslides sa severe thunderstorms.
Ayon pa sa PAGASA, “the wind speed forecast for the whole country will be light to moderate while coastal water conditions will be slight to moderate, ranging from 0.6 meters to 2.1 meters.“





Comments