LPA, namataan sa Central Luzon – PAGASA
ni Lolet Abania | August 19, 2022

Isang low pressure area (LPA) ang namataan sa bahaging katubigan ng Central Luzon, ayon sa PAGASA ngayong Biyernes.
Batay sa kanilang 4PM bulletin, sinabi ng state weather bureau na ang LPA ay natagpuan sa layong 1,210 kilometro east ng Central Luzon ng alas-3:00 ng hapon.
Magdudulot ang LPA at Southwest Monsoon (Habagat) ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms sa buong Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, at Eastern Visayas.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na mga pag-ulan o thunderstorms ang mararanasan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa dahil sa Southwest Monsoon at localized thunderstorms.
Ayon pa sa PAGASA, “Forecast wind speeds across the country will be light to moderate while coastal water conditions will be slight to moderate.”





Comments