LPA, namataan sa Batanes at Ilocos Sur – PAGASA
ni Lolet Abania | July 27, 2022

Dalawang low pressure area (LPA) ang namataan ng alas-3:00 ng hapon ngayong Miyerkules, na matatagpuan sa layong 575 kilometers east northeast ng Itbayat, Batanes, habang ang isa pa ay nasa layong 335 kilometers west ng Sinait, Ilocos Sur, batay sa bulletin ng PAGASA.
Mino-monitor din ng PAGASA ang active tropical cyclone na nasa labas naman ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon sa weather bureau, ang tropical depression ay matatagpuan sa layong 2,020 kilometers east ng Northern Luzon na may maximum sustained winds na 55 kilometro bawat oras, gustiness na aabot sa 70 kph, at kumikilos ng west northwestward ng 15 kilometers kada oras.
Sa 4PM weather forecast ng PAGASA, ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan o thunderstorms.
Pinapayuhan naman ang mga residente na mag-ingat sa posibleng flash floods o landslides sa panahon ng severe thunderstorms.
“The wind speed forecast for the whole country would be light to moderate, while coastal water conditions would be slight to moderate, ranging from 0.6 to 2.1 meters,” saad pa ng PAGASA.





Comments