top of page
Search
  • BULGAR

LPA malapit sa Mindanao posibleng pumasok sa PAR ngayong Linggo o Lunes

ni Jasmin Joy Evangelista | April 3, 2022



Isang low pressure area (LPA) ang namataan malapit sa Mindanao at maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Linggo o sa Lunes, ayon saPhilippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Sabado.


Ang LPA na namataan 2,115 kilometers east of Mindanao, ay posibleng pumasok sa PAR ngayong gabi o bukas nang umaga, ayon kay Pagasa weather specialist Samuel Duran.


Gayunman, sinabi ni Duran na ang naturang low pressure area ay mababa ang tsansa na maging bagyo.


Sa ngayon, patuloy na mararamdaman sa bansa ang shear line at easterlies, ayon pa sa Pagasa.


Ang shear line o ang tail end of a cold front ay magdadala ng maulap na papawirin na may panaka-nakang pag-ulan sa Batanes, Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Ifugao at Mountain Province.


Makararanas din ng parehong panahon ang Eastern Visayas at Caraga bunsod ng easterlies o warm winds na nagmumula sa Pacific Ocean.


Samantala, ang Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa ay makararanas naman ng magandang panahon na may maulap na kalangitan at isolated rain showers at thunderstorms.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page