LPA, lumabas na ng PAR; Habagat, magpapaulan
ni Lolet Abania | August 7, 2022

Lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Linggo ang low pressure area (LPA) na nagdulot ng mga pag-ulan sa buong bansa nitong nakalipas na mga araw.
Sa ulat ng GMA News, magpapatuloy ang maulap na papawirin at maulang panahon sa maraming bahagi ng bansa dahil sa Southwest Monsoon o Habagat.
Batay sa Metraweather’s wind map, makikita ang mataas na tiyansa ng pag-ulan sa buong arkipelago ngayong Linggo ng hapon hanggang gabi.
Pinapayuhan ang publiko na maghanda at mag-ingat sa posibleng flash floods o landslides sanhi ng malalakas na pagbuhos ng ulan.
Makararanas naman ang Metro Manila ng malawakang mga pag-ulan ngayong hapon.





Comments