LPA at Amihan, magdudulot ng mga pag-ulan sa buong bansa – PAGASA
- BULGAR
- Jan 4, 2023
- 1 min read
ni Lolet Abania | January 4, 2023

Patuloy na magdudulot ng mga pag-ulan ang low pressure area (LPA) at Northeast Monsoon o Amihan sa buong bansa, ayon sa PAGASA.
Sa kanilang 4PM forecast ngayong Miyerkules, sinabi ng state weather bureau na makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at thunderstorms sa Visayas, Mindanao, at Palawan dahil sa LPA.
Magdudulot naman ang Amihan ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan sa buong Cagayan Valley, CALABARZON, Bicol Region, Aurora, at natitirang bahagi ng MIMAROPA habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang mahinang mga pag-ulan sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon.
Nagbabala naman ang PAGASA sa publiko sa posibleng flash floods at landslides sa mga apektadong lugar dahil sa pagbuhos ng ulan.
Ayon pa sa PAGASA, “Moderate to strong winds and moderate to rough waters will continue to prevail in the country.”





Comments