Loyal daw sa ABS-CBN, never aalis… LIZA AT ENRIQUE, TINANGGIHAN ANG TIMES 3 NA TF SA TV5
- BULGAR

- Aug 25, 2020
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | August 25, 2020

Balitang tinanggihan nina Liza Soberano at Enrique Gil ang tripleng talent fee offer ng TV5 para lumipat sa kanila ang magka-love team.
Nagdesisyon din daw si Ogie Diaz, ang manager ng dalawa, na hindi tanggapin ang offer ni Mr. Manny V. Pangilinan para sa mga talents niya dahil ayaw iwan nina Liza at Enrique ang ABS-CBN.
Gusto nina Liza at Enrique na manatili sa ABS-CBN bilang pagtanaw ng utang na loob dahil ang network ang nag-build-up at nagpasikat sa kanila.
Kasama rin sa kanilang pinasasalamatan ang Star Cinema na nagbigay ng hit movies sa kanila. Nag-agree si Enrique sa desisyon nina Ogie at Liza at ayaw din nitong iwan ang ABS-CBN.
Nagpahayag na noon si Liza ng “I will always stand by them (ABS-CBN). I don’t think that I could ever go to another rival network here in the Philippines. I could look for like projects to do... like foreign projects to do probably, but my heart in the Philippines goes to ABS-CBN.”
Sa pahayag na ito ni Liza, mukhang hindi nga siya lilipat sa ibang network kahit may go signal na sa Star Magic.
Sabagay, may gagawin namang pelikula sa Star Cinema sina Liza at Enrique, kaya magiging busy pa rin ang dalawa.





Comments