top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Lowry at Butler, umaapoy ang laro sa Heat vs. Celtics

BULGAR
Apr 1, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | April 1, 2022




Humataw ang bisitang Miami Heat sa last 2 minutes upang talunin ang Boston Celtics, 106-98, sa isang laro na maaaring magdikta kung sino ang magtatapos ng numero uno sa NBA Eastern Conference kahapon sa TD Garden. Papasok sa kanilang huling limang laro, hindi pa rin nakakasigurado ang Heat sa kartadang 49-28 at dalawang laro lang naghihiwalay sa kanila at mga naghahabol na Milwaukee Bucks (47-28), Philadelphia 76ers (46-29) at Boston (47-30).

Naka-shoot si Kyle Lowry at sinundan ito ng dunk ni Jimmy Butler upang itayo ang 102-96 lamang na may 1:43 sa orasan. Mula roon ay hindi nakaporma ang Celtics at sinigurado ng mga free throw nina Bam Adebayo at Butler ang panalo.

Nanguna si Butler na may 24 puntos at sinundan ni Adebayo na may 23 puntos. Namuno sa Celtics sina Jaylen Brown na may 28 puntos at 10 rebound at Jayson Tatum na may 23 puntos. Naitala ng numero unong Phoenix Suns ang kanilang ika-62 tagumpay at biktima ang Golden State Warriors, 107-103. Ito na ikatlong pagkakataon na umabot ng 62 panalo ang Suns matapos ang 1993 at 2005 at maaari nilang higitan ito sa kanilang nalalabing anim na laro para sa bagong marka.

Ibinalik ni Devin Booker ang lamang sa Phoenix sa kanyang dalawang free throw na may 34 segundo sa orasan, 102-101, at sinayang ng Warriors ang pagkakataon nang tawagan ng travelling si Draymond Green. Naka-shoot si Chris Paul upang dagdagan ang lamang, 104-101, at sinundan niya ito ng dalawang paniguradong free throw sa huling 7 segundo.

Parehong nagsumite ng tig-22 puntos sina Booker at Mikal Bridges. Bumagsak ang Warriors sa tabla kasama ang Dallas Mavericks sa 48-29 subalit hawak ng Mavs ang tiebreak para sa ikatlong puwesto bunga ng kanilang tatlong panalo sa Golden State sa apat na tapatan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page