top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Low risk classification sa NCR, ‘wag abusuhin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2022
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | February 12, 2022



Posibleng mailagay sa ‘very low risk’ category sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR) pagsapit ng Marso.


Ito ang nakikita ng OCTA Research Group kung saan base sa projections ng grupo, maaaring bumaba nang hanggang 200 ang bagong COVID-19 cases na maitatala sa katapusan ng Pebrero.


Paliwanag ni OCTA fellow Dr. Guido David, ang ‘magic number’ na kailangang maabot para sa very low risk classification ay 140 new cases kada araw, na maaaring maabot pagsapit ng Marso.


Matatandaang noong Disyembre 2021, naabot ng NCR ang very low risk classification bago tumaas ulit ang bilang dahil sa mas nakahahawang Omicron variant.


Bagama’t posibleng bumaba pa ang mga bagong kaso, hindi ito mangyayari kung basta-basta tayong magluluwag at magrerelaks. Kaya tulad ng palagi nating sinasabi, ang pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases kada araw ay hindi indikasyon na puwede na tayong makampate.


Magandang balita na nababawasan na ang naitatalang kaso ng COVID-19, kaya’t isinusulong na rin ang pagpapatupad ng Alert Level 1 sa NCR, ngunit iginiit ng Department of Health (DOH) na kailangan pang mapababa ang ilang pamantayan para tuluyang maibaba ang alert level.


Kaya sa ngayon, pairalin natin ang disiplina at pag-iingat habang nasa ilalim pa rin ng Alert Level 2 ang Metro Manila.


‘Ika nga, hinay-hinay lang at ‘wag tayong masabik dahil ‘pag mas mabuti na ang sitwasyon, kayang-kaya na nating mamuhay sa ‘new normal’.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page