top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Love scam, tumitindi na naman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 29, 2025
  • 1 min read

by Info @Editorial | Jan. 29, 2025



Editorial

Patuloyang pagdami ng mga nabibiktima ng ‘love scam’ habang papalapit ang Araw ng mga Puso. Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), bagama’t buong taon naman ay may naitatalang kaso ng love scam, mas tumitindi umano ito lalo sa buwan ng Pebrero. Kung saan, ibinahagi ng kagawaran na kada araw ay mayroong 15 nabibiktima sa ganitong uri ng panloloko.


Isa sa tinitingnang rason ng pagdami ng kaso ay ang pagkahilig ng mga Pinoy sa pagpo-post online. Dahil dito, ibinabala na mag-ingat sa mabilis na pag-usad ng mga relasyon sa mga nakakausap sa dating applications.


Marami sa mga biktima ng love scam ay kadalasang nag-iisa, matanda o malungkot, na naghahanap ng pagmamahal at pagkakaibigan online. 


Kaugnay nito, importante ang papel na ginagampanan ng edukasyon at teknolohiya sa pagtukoy at paglaban sa ganitong uri ng krimen. 


Mahalaga ring magkaroon ng mga proteksyon sa mga online platform upang mabilis na matukoy ang mga kahina-hinalang aktibidad at maiwasan ang mga ganitong modus operandi.


Magsagawa rin ng mga kampanya upang mas maging aware ang mga tao tungkol sa mga red flags ng mga online scams at kung paano maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga ganitong uri ng pang-aabuso.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page