Lotus Feet, tinawag na Ryzza Mae… KIM, NIRESBAKAN NA RETOKADA, OLD PHOTOS INILABAS
- BULGAR

- 6 hours ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 29, 2026

Photo: Kim Chiu - IG
Durog ngayon sa mga bashers si Kim Chiu dahil sa kanyang joke sa It’s Showtime (IS) patungkol kay Ryzza Mae Dizon. Tinawag niyang Ryzza Mae ang ‘Lotus Feet’ na sumulpot na character ni Jugs Jugueta sa isang segment nila.
Ano kaya ang nasa isip ni Kim kung bakit si Ryzza Mae ang kanyang binanggit?
Siyempre, nasaktan ang mga fans ni Ryzza Mae. Sabi rin ng mga nakapanood ay ‘not in good taste’ ang ginawa ni Kim, kahit na biro pa ito.
Tuloy, niresbakan si Kim ng mga bashers at tinawag siyang ‘retokada’. Bigla ring lumutang sa social media ang mga old photos ni Kim Chiu na kuha noong bago siya pumasok sa Pinoy Big Brother (PBB) house. Doon pa lang ay iba na ang kanyang hitsura. Kaya halatang-halata na marami siyang ipinabago sa kanyang mukha matapos nitong manalo sa PBB. Kaya, si Kim Chiu naman ang nilalait ngayon ng mga bashers.
Ang tanong, nag-sorry na kaya si Kim Chiu kay Ryzza Mae Dizon? Dapat ay sa It’s Showtime din niya ito gawin.
Oks na sa parents…
KASALANG RAYVER AT JULIE ANNE, SA 2027
KINILIG ang maraming fans nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz nang aminin nila sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) na may plano na silang magpakasal. Pero 2027 pa raw ito dahil super busy at loaded ang kanilang schedule ngayong 2026.
Marami pa silang commitments na dapat tapusin at kailangan nila ng preparasyon para sa kanilang kasal.
For sure, may sapat na silang ipon para sa kanilang future. Ilang taon nang magkarelasyon sina Julie Anne at Rayver, kabisadung-kabisado na nila ang ugali ng isa’t isa. Wala silang professional rivalry.
Hindi issue kina Julie Anne at Rayver kung sino ang mas sikat at mas malaki ang kita. Tanggap na rin ng pamilya ng aktres-singer si Rayver Cruz. Kaya tiyak na tuloy na tuloy na ang plano nilang pagpapakasal next year, 2027!
BALIK na sa pag-arte ang aktres na si Sunshine Cruz matapos ang kanyang tatlong taong health break. Na-diagnose ang aktres ng chronic autoimmune neuromuscular disorder kaya kailangan niyang magpahinga sa showbiz. Maraming projects ang kanyang tinanggihan dahil sa kanyang sakit.
Ngayon ay binigyan na siya ng go signal ng kanyang neurologist upang bumalik sa kanyang trabaho, kaya excited siyang muling makaarte sa telebisyon at pelikula.
Sobrang na-miss ni Sunshine Cruz ang pag-arte. Naging makabuluhan naman ang kanyang health break dahil nakasama at naka-bonding niya nang matagal ang tatlo niyang anak na mga dalaga na ngayon.
Well, mas gumanda at glowing ngayon si Sunshine Cruz dahil matagal siyang nagpahinga at walang stress sa trabaho.





Comments