top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M

Lolo, lola 4-anyos na apo, niratrat

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 54 minutes ago
  • 1 min read

ni Janice Baricuatro @News | August 27, 2026



Lolo, lola 4-anyos na apo, niratrat

Photo: File



Tatlong katao, kabilang ang isang 4-anyos na bata, ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek ang kanilang bahay sa Sitio Buho, Brgy. Daine 1, Indang, Cavite, kamakalawa ng gabi.


Kinilala ang mga biktima sa alyas Franco, 63; Juanita, 62, at isang 4-anyos na bata. Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na alas-10:50 ng gabi nang makarinig ng sunud-

sunod na putok ang isang residente mula sa direksiyon ng bahay ng mga biktima. 


Naiulat ang insidente sa barangay at alas-12:30 ng hatinggabi nang makarating ang impormasyon sa Indang MPS. 


Agad na rumesponde ang mga pulis at nakita ang tatlo sa loob ng kanilang bahay na nipa sa isang liblib na lugar.


Patuloy ang imbestigasyon, kabilang ang pagkuha ng CCTV footage at pakikipanayam sa mga residente, upang matukoy ang suspek at motibo sa pamamaril.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page