Lolo binaril sa dibdib, utas

ni Janice Baricuatro @News | October 13, 2026

Photo: File
Patay agad ang isang 65-anyos na magsasaka matapos barilin sa dibdib habang inaayos ang kanyang motorsiklo sa Brgy. Cabuco, Trece Martires City, Cavite, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktimang si alyas Robert, residente sa nasabing lugar.
Itinuturong suspek si alyas Mervin, 41, driver at residente rin ng nasabing lugar.
Ayon sa pulisya, inaayos ng biktima ang kanyang motorsiklo alas-7:15 ng gabi nang barilin siya ng suspek gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang suspek nang naglalakad patungo sa labasan ng subdivision.
Dating alitan umano ang motibo sa krimen.
Nagsasagawa na ng manhunt operation ang Trece Martires City police upang matunton at madakip ang suspek na nananatiling nakatakas.





Comments