Lola sinaksak ng itak sa leeg, sinunog sa tindahan, patay

ni Mai Ancheta @News | October 19, 2026

Photo: Circulated
Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang 67-anyos na lola matapos magtamo ng saksak sa leeg at nasunog din sa loob ng kanyang sari-sari store sa Brgy. Magdapio, Pagsanjan, Laguna nitong Biyernes ng madaling-araw.
Kinilala ang biktimang si Divina Minaya habang ang suspek ay nakilalang si alyas Renz, 24, kamag-anak nito.
Lumitaw sa imbestigasyon ng Pagsanjan Police na nagtalo umano ang biktima at suspek dahil sa utang nitong P3,000 at nagbanta ang lola na ipapa-barangay ito kapag hindi nagbayad ng utang.
Sa pagsusuri sa CCTV sa lugar, nakitang may hawak na itak ang suspek at umiinom ng alak at makalipas ang ilang minuto ay nasunog na ang tindahan ng lola.
Unang inakala ng mga imbestigador na faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog subalit tinitingnan na ang posibleng arson matapos aminin ng suspek na pinutol niya ang mga kable ng CCTV sa tindahan, naghugas ng kamay gamit ang gin.
Sumuko ang suspek sa mga awtoridad matapos itong puntahan ng mga opisyal ng barangay at mga pulis sa kanyang bahay.





Comments