top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Lola, kukubra ng ayuda, natagpuang patay sa kalsada

Writer: BULGAR
BULGAR
28 minutes ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | September 15, 2026



Lola, kukubra ng ayuda, natagpuang patay sa kalsada

Photo: File



Hindi na nagawang kubrahin ng isang senior citizen na babae ang kanyang cash payout makaraan siyang patayin habang sa Brgy. Pawican, San Jose, Occidental Mindoro umaga ng Linggo, Setyembre 13.


‎‎Ayon sa paunang imbestigasyon, walang nakasaksi sa krimen kung saan natagpuan na

lamang ang biktima na wala nang buhay sa gilid ng kalsada at duguan.


Ayon kay Brgy. Pawican Chairman Ed Hermoso, galing ng kanilang bahay ang biktima at umalis lamang para pumila sana sa senior citizen payout sa Brgy. Natandol. Nabatid na mag-isa lamang na umalis ang biktima.


‎Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung sino ang may kagagawan ng karumal-dumal na krimen.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page