top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Lokal na bigas muna, 'wag puro imported

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 30, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | December 30, 2023


Bilang paghahanda sa matinding pagtama ng El Niño phenomenon, asahan na ang mahigit sa 500,000 metric tons (MT) ng imported na bigas ang darating sa bansa na nagsimula ngayong December hanggang sa February 2024.


Sinabi ni Department of Agriculture Undersecretary, Officer-in-Charge for Operations Roger Navarro, sapat at hindi kakapusin sa suplay ng bigas ang ating bansa dahil may mga paparating pang dagdag na tone-tonelada ng mga ito.


Aniya, nasa 76,000 metriko tonelada ng bigas na mula sa Taiwan at India ang matatanggap ng Pilipinas bago magtapos itong December at sa unang bahagi ng January 2024.


Ayon kay Navarro, nagsimula na ring dumating sa ating bansa ang nasa kalahating milyong metriko toneladang inangkat na mga bigas ng mga private sector para na rin mapanatiling matatag ang suplay nito at bilang paghahanda sa magiging matinding epekto ng El Niño.


Nakatanggap din sila ng mga report na humigit-kumulang 100,000 tonelada ng imported na bigas ang dumating na sa bansa, kung saan bahagi ito ng 495,000 metric tons na ipinangako ng import permit holders kay Secretary Tiu Laurel, ayon kay Navarro.


Naideliber naman bago mag-Pasko ang nasa 20,000 bags na katumbas ng 1,000 metric tons ng bigas, kung saan bahagi ng 40,000 bags na donasyon ng Taiwan.


Mula sa India, nasa 75,000 metriko tonelada ng bigas ang darating nitong huling linggo ng December hanggang unang bahagi ng Enero.


Mainam na mayroong sapat at hindi tayo kakapusin sa suplay ng bigas sa pagpasok natin sa panibagong taon.


Batid ng lahat na ang bigas ang pangunahing pagkain ng mga Pinoy at sadyang napakahalaga nito sa atin.


Kadalasan pa, kahit walang ulam basta mayroong bigas na sasaingin o kanin ay solb na ang ating gutom.


Kaya lang, bakit tila mga imported na bigas ang nagsusuplay sa ating bansa at wala ang mga lokal na bigas na mula sa ani ng ating mga magsasaka?


Sana, inuna muna ng kinauukulan ang mga lokal na bigas bilang suplay natin, sa halip na puro imported rice o angkat na bigas mula sa ibang bansa.


Lagi sana nating isipin na mas mabuting unahin ang sariling atin bago tangkilikin ang iba na makakatulong din naman sa ating ekonomiya.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page