top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Local producers, protektahan vs. ganid na traders at korup na gov’t offc’l

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 19, 2023
  • 1 min read

@Editorial | May 19, 2023


Nanawagan na rin ang grupo ng mga magmamanok sa gobyerno na magpatupad ng pansamantalang pagtigil ng pagpapalabas ng import permits para sa mga manok.


Ito ay dahil nakararanas na umano ang bansa ng labis na suplay ng karne ng manok sa mga pamilihan.


Kung ipatitigil ang pagbibigay ng chicken imports, masusuportahan ang mga local producers.


Una nang sinabi na maaaring ipatupad ang ganitong hakbang, hindi lamang sa mga karne ng manok kundi maging sa iba pang produkto kapag mayroong mataas na suplay nito.


Batid natin na grabe na ang sakripisyo ng mga local producers. Tila wala silang magawa sa tuwing bumabaha ng imported products.


Hindi na rin nila malaman kung paano mag-a-adjust. Ang laging senaryo, kapag nakapasok na ang mga imported, pikit-mata na nilang ibinabagsak ang presyo ng kanilang produkto para lang hindi mabulok.


Laging sinasabi na ang mga kababayan nating nasa agrikultura ang lakas at dahilan kung bakit mayroon tayong naihahain sa hapag, pero bakit parang hindi sila kayang protektahan at suportahan?


Umaasa tayo na darating din ang isang gobyerno na mas kaya silang ipaglaban mula sa mga ganid na traders at mga korup na opisyal.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page