Liza, puring-puri si Dolly de-Leon
ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | March 15, 2024

Nagpahayag si Liza Soberano ng paghanga sa pagiging "fearless" ni Dolly de Leon bilang artista.
Kilala si Soberano bilang isang rising star sa Hollywood na nag-debut sa pelikulang "Lisa Frankenstein," at si de Leon naman ay ang unang nominado sa Golden Globe at BAFTA mula sa Pilipinas.
Kamakailan ay nagkaroon sila ng collaboration para sa short film endorsement ng isang digital banking platform, ngunit hindi ito ang una nilang pagsasama sa isang proyekto dahil naging co-stars na sila sa pelikulang "Alone Together" noong 2019.
Labis pa rin ang tuwa ni Soberano nang makatrabaho si de Leon sa isang short film na may mga Hollywood references at vibe ng classic pop culture.
“Honestly, behind the scenes, we were just talking about ‘Call of Duty’ all the time. We’re both huge fans of it. We were talking about the gun set-ups [in the game], so that’s what we talked about,” pahayag ni Soberano sa mga reporters sa brand launch.
Binigyang-diin din ni Soberano na ang pinakagusto niyang katangian ni de Leon ay ang pagpupursige nitong matuto kahit na itinuturing na siyang matagumpay sa larangan ng pag-arte.
“In terms of acting, being someone incredibly talented yet so hungry to learn and experience things is what I picked up from [Dolly]. She’s so fearless and so unapologetic about dreaming big and reaching for the stars,” anang aktres.
Ibinahagi rin ni Soberano na itinuturing na niyang "second home" ang Los Angeles, California, bagaman walang anumang makatutulad sa Maynila.
Sa kasalukuyan, patuloy pa ring nakakatanggap ng mga papuri ang aktres mula sa mga kritiko at film enthusiasts para sa pagganap niya bilang Taffy sa kanyang unang Hollywood film na “Lisa Frankenstein.”





Comments