top of page
Search
  • BULGAR

Liza, nagsalita sa mental health sa Pilipinas

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 9, 2024




Tinawag ni Liza na “taboo topic” ang mental health sa Pilipinas dahil ibinahagi niya na ang “resilient in facing challenges” ay naging pamantayan nito.


Sa isang podcast ng “Broad Ideas with Rachel Bilson & Olivia Allen,” inamin ni Soberano na maraming Pilipino ang hindi mahilig magsalita tungkol sa usaping mental health dahil nakikita ito bilang hindi pangkaraniwang paksa sa bansa.


Dugtong pa niya, hindi katulad sa States kung nasaan siya ngayon, very broad ang topic at understanding sa mental health issues.


“Dito sa Pilipinas, hindi masyadong pinag-uusapan ang mga ganito,” dagdag niya.

Ayon naman sa aktres, isang epekto nito ang kolonisasyon ng Pilipinas sa mahabang panahon, isa rito ang pagiging “utang na loob” culture raw ng mga Pilipino.


Ibig sabihin niya rito ay forever in debt ka with gratitude sa kung anong meron ka ngayon. At sinasabi pa na resilient ang mga Pilipino pagdating sa pagharap sa mga problema sa buhay.


Pero sa totoo lang, ayon kay Liza, “people pleaser tayo”, ayaw natin na mag-complain o pag-usapan ang hardships. “Everything has to be happy and pleasant,” saad ng aktres.

Hindi naman ganu’n tumatakbo ang mundo na parang we try our best to be happy pero sa Pilipinas, hindi dapat ito pinag-uusapan at dapat may perfect time kung kailan puwede.


Inilahad naman ng aktres ang kanyang “An Open Mind” na podcast at nag-take-up siya ng Psychology para lang dito. Isa iyan sa ultimate goal ni Soberano at maging accessible sa bansang Pilipinas ang mga ganitong issue.


“I got a lot of message from my Filipino fans,” wika niya.


Nakakatulong daw kasi na mag-seek ng professional help in time of need, at hindi ito dapat ikahiya.


Samantala, nakakuha ng maraming comments ang recent vlog niya patungkol sa pressure on the entertainment industry.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page