Livestreaming ng ICI, pinamamadali ni Sen. Kiko
- BULGAR

- 4 hours ago
- 1 min read
by Info @News | October 26, 2025

Photo: Kiko Pangilinan - Senate
Pinamamadali na ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang pag-lilivestream ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa ginagawa nilang imbestigasyon sa maanomalyang infrastructure projects kasunod ng pag-anunsyo ng ahensya na isasapubliko na umano nila ito.
Ayon kay Pangilinan, inanunsyo na ng ahensya sa publiko ang kanilang gagawin na livestream kaya’t kailangan na nila itong panindigan.
Binigyang-diin din niya ang kagustuhan ng publiko na malaman ang proseso sa kanilang imbestigasyon tungkol sa maanomalyang infrastructure project sa bansa.








Comments