top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Live-in partner, hindi obligadong magbigay ng suporta

BULGAR
Jan 14, 2023
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 14, 2023


Dear Chief Acosta,


Isa akong estudyante na nangangailangan ng suporta para sa aking pag-aaral at pang-araw-araw na gastusin. Patay na ang aking mga magulang at hindi ko kilala ang aking mga kamag-anak. Ang sumuporta sa akin at sa aking ina noong siya ay nabubuhay ay ang kanyang live-in partner. Maaari ko bang obligahin ang live-in partner ng aking namatay na ina na bigyan ako ng suporta? - Maye

Dear Maye,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Artikulo 195 ng Family Code of the Philippines, kung saan nakasaad ang mga taong obligadong suportahan ang isa’t isa:

“Article 195. Subject to the provisions of the succeeding articles, the following are obliged to support each other to the whole extent set forth in the preceding article:


1. The spouses;

2. Legitimate ascendants and descendants;

3. Parents and their legitimate children and legitimate and illegitimate children of the latter;

4. Parents and their illegitimate children and legitimate and illegitimate children of the latter;

5. Legitimate brothers and sisters, whether of the full or half blood.” (Binigyang-diin)


Sa nabanggit mong sitwasyon, malinaw na sinasabi ng ating batas na hindi mo maaaring obligahin ang live-in partner ng iyong namatay na ina na bigyan ka ng suporta dahil hindi siya kabilang sa mga nabanggit na taong obligadong magbigay ng suporta sa iyo. Ang live-in partner ng iyong namatay na ina ay hindi obligadong suportahan ka, ngunit maaari niyang kusang-loob na gawin ito kung kanyang nanaisin.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page