top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lisensya o permiso ng pangingisda

BULGAR
Dec 1, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | December 1, 2022


Dear Chief Acosta,


Ang tanging negosyo ng aking mister ay pangingisda sa dagat na malapit sa aming tirahan. May ilan din siyang kasamahan sa kanyang pangingisda. Ngunit sinabihan ang aking mister ng isa sa kanyang mga kasamahan na kailangan diumano nilang kumuha ng pahintulot sa gobyerno upang makapanghuli ng anumang isda. Ito ba ay naaayon sa batas? - Linda


Dear Linda,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Section 86 ng Republic Act (R.A.) No. 8550, o mas kilala bilang “The Philippine Fisheries Code of 198”, na inamyendahan ng R.A. No. 10654, na nagsasaad na:


“Section 86. Unauthorized Fishing. – (a) It shall be unlawful for any person to capture or gather or to cause the capture or gathering of fish, fry or fingerlings of any fishery species or fishery products without license or permit from the Department or LGU.


Except in cases specified under this Code, it shall also be unlawful for any commercial fishing vessel to fish in municipal waters.


The discovery of any person in possession of a fishing gear or operating a fishing vessel in a fishing area where he has no license or permit shall constitute & prima facie presumption that the person is engaged in unauthorized fishing: Provided, That fishing for daily food sustenance or for leisure which is not for commercial, occupation or livelihood purposes may be allowed. x x x”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, hindi pinahihintulutan ang panghuhuli, pangongolekta o paggawa ng anumang paraan upang manghuli o mangolekta ng anumang uri ng isda nang walang kaukulang lisensya o permit, maliban na lamang kung ito ay para lamang sa pansariling pagkain o paglilibang na hindi para sa komersyal o pangkabuhayang layunin. Sa nasabi mo na sitwasyon, bago manghuli o mangolekta ng anumang uri ng isda ang iyong asawa at mga kasama niya, nararapat lamang na kumuha muna sila ng lisensya o permiso magmula sa Department of Agriculture o sa lokal na pamahalaan na nakasasakop sa inyong tinitirahan.


Nais din namin ipaalam sa iyo na matapos magsagawa ng imbestigasyon at mapatunayanang may paglabag sa R.A. No. 8550, maaaring pagbayarin ng multa ang nagkasala. Karagdagan dito, kung magkaroon ng paglilitis at mahatulan ng paglabag sa Section 86 ng R.A. No. 8550 ang tao, siya ay maaaring makulong ng anim na buwan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page