Lisensya ng higit 100 baril ni Bato, binawi na
- BULGAR

- 10 hours ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | May 28, 2026

Photo: PTV
Binawi na ng Firearms and Explosives Office (FEO) ng Philippine National Police (PNP) ang lisensya at rehistro ng mga baril ni Sen. Ronald 'Bato' dela Rosa.
Batay sa revocation order na may petsang Mayo 26 at nilagdaan ni FEO chief Police Brig. Gen. Jose Manalad Jr., kanselado na ang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at Firearms Registration ng senador alinsunod sa Section 4(g) ng Republic Act No. 10591 o Firearms and Ammunition Regulation Law.
Nakasaad sa naturang batas na hindi maaaring magkaroon ng lisensya sa baril ang isang indibidwal na nahaharap sa kasong kriminal na may parusang higit sa dalawang taong pagkakakulong.
Ayon kay Manalad, may hawak si Dela Rosa na type 5 LTOPF na dati sanang balido hanggang Marso 10, 2034.
Nakarehistro rin umano sa kanyang pangalan ang 117 iba’t ibang uri ng baril.
Ang type 5 LTOPF ay nagpapahintulot sa isang tao na magmay-ari ng 15 o higit pang baril.
Inaatasan si Dela Rosa o ang kanyang kampo na isuko sa pulisya ang lahat ng kanyang rehistradong baril.





Comments