top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ligtas na pampublikong sasakyan, tiyakin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 1, 2023
  • 1 min read

@Editorial | June 1, 2023


Maraming rider at komyuter ang umaasang magkakaroon na ng batas na magle-legalize at magkokontrol sa motorcycle taxi sa bansa.


Sa joint hearing ng Senate Committees on Public Services and Local Government kamakailan, itinuon ang diskusyon sa training at skills know-how ng mga rider sa paggamit ng motorsiklo.


Sa naturang pagdinig, sinuring mabuti ang mga kumpanyang pinayagang mag-operate sa ilalim ng tatlong taong pilot program ng Department of Transportation, kaugnay sa safety training na kanilang ibinibigay sa kanilang mga drayber.


Partikular na ikinababahala ang bilang ng mga aksidente na kinasasangkutan ng isang kumpanya na market leader na humahawak ng 30,000 slot sa 45,000 sa ilalim ng pilot program, kung saan may naitalang 7,500 aksidente noong 2022 lamang. Kaugnay nito, may mga reklamo umano na pasahero ang nagpapaluwal muna kapag naoospital dahil sa aksidente habang nasa biyahe, dahil mahirap kausap ang mga kumpanyang may hawak sa rider.


Dapat nga naman na kapag may rider na nasangkot sa aksidente at may pasahero ay may madaling paraan para makausap ang kinatawan ng kumpanya.


Sa bahagi naman ng mga drayber, seryosohin natin ang training, alamin at sundin ang mga batas-trapiko at laging isipin na may buhay tayong kasama sa biyahe na may pamilya ring naghihintay. Mainam din na may ginagamit na teknolohiya para ma-monitor ang ugali at driving skills ng mga drayber.


Marami pang usapin ang dapat na linawin sakaling payagan na bilang pampublikong sasakyan ang motorsiklo at tama lang na busisiin ito para rin sa kaligtasan ng lahat.


Kailangang masiguro na ligtas ang motorcycle taxi at hindi magamit sa anumang ilegal na gawain.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page