top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Lifestyle check sa lahat ng pulis sa Drug Enforcement Group

Writer: BULGAR
BULGAR
May 13, 2023
1 min read

@Editorial | May 13, 2023


Sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap, dapat lang na isailalim sa lifestyle check ang mga miyembro ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PDEG).


Patuloy ang imbestigasyon sa umano’y pagnanakaw ng 42 kilos ng ilegal na droga ng ilang miyembro ng PDEG, mula sa mga nasabat na droga sa isang malaking operasyon sa Maynila noong nakaraang taon.


Kaugnay ng hirit na lifestyle check, wala naman daw magiging paglabag sa privacy at karapatan ng mga pulis. Totoo naman, lalo na kung wala namang itinatagong yaman ang isang pulis na galing sa ilegal.


Sa tindi ng isyu, plano na ring buwagin ang nasabing special operations unit. Handa naman daw sumunod ang kanilang hanay sa kautusang ito, lalo na’t bahagi ito ng mahigpit na monitoring sa kanila na pinaniniwalaang mas maganda ang magiging epekto.


Kung walang problema pagdating sa manpower o may sapat na tauhan na hahawak sa mga anti-illegal drug operation sa mga tanggapan ng rehiyon, probinsya, at munisipyo, puwede na sigurong tuluyan nang ipatupad ang pagbubuwag sa special operations unit ng kanilang hanay.


Panahon na para maging mas mahigpit sa kapulisan. Ang mga inaasahang tagapagtanggol at tagapagpatupad ng batas ay dapat na maging tapat sa tungkulin at hindi alipin ng pera at kapangyarihan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page