Lider ng NPA, 2 pa utas
ni Mai Ancheta @News | March 28, 2024

Isang lider ng New Peoples Army at dalawang iba pa ang nalagas sa kanilang hanay matapos mapatay sa engkuwentro ng mga sundalo nitong Martes ng hapon sa boundary ng Rosario at Taysan, Batangas. Batay sa report ng 2nd Infantry Divisonáng Philippine Army, nasabat ng mga sundalo ang mga rebelde habang nagpapatrulya na nauwi sa palitan ng putok na tumagal ng kalahating oras. Matapos ang bakbakan, iniwan ng mga rebelde ang kanilang mga kasamahang napatay na sina Junalice Arante-Isita alyas Arya, Bernardo Bagaas alyas John Paul at Erickson Bedonia alyas Ricky. Si Bagaas ay sinasabing Logistics Officer ng Sub-Regional Military Area 4-C habang ang dalawang iba pa ay miyembro ng Southerná Tagalog Regional party. Narekober ng mga sundalo sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang M16 rifle, isang baby armalite, isang M14 Bushmaster rifle, jungle packs at mga electrical wire na ginagamit sa paggawa ng pampasabog.





Comments