Libu-libong LSIs sa Rizal Sports Complex Manila, naghihintay ng bus
- BULGAR

- Jul 25, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 25, 2020

Libu-libo ang mga locally stranded individuals (LSIs) sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila na nais nang makauwi sa kani-kanilang probinsiya ang naghihintay ng bus at masasakyan.
Karamihan sa mga LSIs na nagmula sa Visayas at Mindanao, ay nakatakdang umalis ng Metro Manila ngayong July 25 at 26 sa pamamagitan ng “Hatid Tulong” program ng gobyerno.
Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), mahigit sa 8,000 stranded individuals ang kumuha ng transportation assistance program.
Sa ikalawang bugso ng Hatid Tulong, ang mga LSIs ay ihahatid ng 120 buses at 5 sea vessels.
“Gaya ng first batch ng Hatid Tulong noong unang linggo ng July, we will be ensuring that our LSIs will be comfortable and safe in the transportation modes that the government has prepared for them,” pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año.





Comments