top of page

Libu-libong Islamist, nagprotesta laban sa mga pag-atake ng Israel

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 14, 2024
  • 1 min read

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 14, 2024


Showbiz Photo
Photo: Ariel Schalit

Libu-libong tagasuporta ng isang radikal na partido sa Pakistan ang nagtipon malapit sa Islamabad noong Sabado, upang iprotesta ang mga pag-atake ng Israel sa Gaza at hikayatin ang dagdag na tulong para sa mga Palestinian.


Hiniling din nila na sa Pakistan na ituring si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu bilang "terorista." Wala namang agad na tugon mula sa gobyerno matapos ang rally sa Rawalpindi.


Walang diplomatikong relasyon ang Pakistan sa Israel. Matagal nang nanawagan ang Pakistan para sa tigil-putukan sa siyam na buwang sigalot sa pagitan Israel at Hamas, at nitong mga nakaraang buwan ay nagpadala ng tulong para sa mga Palestinian sa Gaza.


Sinabi ni Saad Rizvi, ang pinuno ng Islamist Tehreek-e-Labiak Pakistan party na nanguna sa rally, na magpapatuloy ang sit-in protest hanggang sa maaprubahan ng gobyerno ang kanilang mga panawagan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page