Libu-libong doktor sa South Korea, nagprotesta
- BULGAR
- Mar 4, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 4, 2024

Nagprotesta ang libu-libong mga doktor sa kahabaan ng kalsada sa Seoul, South Korea noong Linggo laban sa plano ng gobyerno na dagdagan ang medical school admissions.
Kabilang sa kanilang mga ipinaglalaban ang pagkakaroon ng sapat na mga manggagawa sa mga ispesipikong medical fields, ang halaga ng mga medical treatments na pinopondohan ng gobyerno, at pagtatatag ng mga magandang pasilidad para sa pagtuturo ng maraming bagong mag-aaral sa medisina.
Inanunsiyo ng gobyerno noong Pebrero ang plano na pataasin sa 2,000 ang bilang ng student admission para sa mga medical schools, na magsisimula sa academic year na 2025 at magdadala ng kabuuang bilang sa 5,000 kada taon.
Nasa 8,000 trainee doctors sa South Korea ang nagsimulang mag-aklas noong Pebrero 21 sa pamamagitan ng pagpapasa ng kanilang resignation. Pagkatapos nito, mayroon pang karagdagang 1,000 na nag-resign.
Upang mapanatili ang pagpapatuloy ng mga serbisyong pangkalusugan sa panahon ng welga, hiniling ng gobyerno ang tulong ng mga military doctors. Pinapayagan din ang mga nars na gawin ang ilang medical procedures na karaniwang ginagawa ng mga doktor, na may legal na proteksyon.








Comments