top of page

Libu-libong abandonadong balikbayan boxes, naihatid na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 20 hours ago
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso @News | March 26, 2026



Balikbayan Boxes - Department of Finance - Bureau of Customs PH

Photo: Department of Finance - Bureau of Customs PH



Inanunsyo ng Department of Finance (DOF) at Bureau of Customs (BOC) na naihatid na ang libu-libong abandonadong balikbayan boxes na iniwan ng kanilang cargo handlers sa Ports of Davao at Manila, sa mga pamilya ng overseas Filipino workers (OFWs).


Ayon kay DOF Sec. Frederick Go, ang operasyon ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na pabilisin ang pagpapalabas at paghahatid ng abandonadong kargamento ng ilang freight forwarders sa ilang pantalan. 


“Patuloy ang Bureau of Customs at ang Department of Finance, kasama ang Department of Migrant Workers, sa pagtulong para maibalik ang mga abandoned boxes sa mga pamilya,” ayon kay Go. 


Tiniyak naman ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang pangako ng BOC na bigyang prayoridad ang mabilis na paghahatid ng natitira pang balikbayan boxes saka binanggit na nalinis na ang Port of Manila at Davao dulot ng malawakang operasyon. 


Ani Nepomuceno, nakatuon ang BOC sa Manila International Container Port (MICP) at Port of Cebu upang tuluyan nang makumpleto ang nalalabing deliveries.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page