top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Libreng tablet computer sa mga estudyante, oks!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 2, 2021
2 min read

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | December 02, 2021



Nitong nakaraang linggo, naghain tayo ng panukalang-batas na bibigyan ang bawat estudyante ng pampublikong paaralan, kasama ang mga state universities at colleges, ng tablet computer bilang tulong sa kanilang pag-aaral.


Ang Senate Bill No. 2454, o “One Tablet, One Student Act” ay naglalayong magtakda ng P200 bilyon para sa inisyal na pondong pambili ng mga tablet.


Ang mga estudyanteng mayroon nang sariling learning gadgets ay mabibigyan naman ng educational assistance sa porma ng internet allowance.


Kung maisasabatas ito, aatasan ang Department of Education at Commission on Higher Education bilang implementing agencies ng One Tablet, One Student program, at tungkulin nilang:


· lumikha ng kumprehensibong sistema para sa pagtukoy ng eligibility ng mga estudyante sa programa;

· lumikha ng efficient na sistema ng pagpapamigay ng mga tablet; at

· lumikha ng guidelines sa paggamit, maintenance at pananagutan sa mga ibibigay na tablet


☻☻☻


Alam nating malaki ang alokasyong ito.


Subalit, tandaan na may krisis din sa edukasyon na patuloy na lumalala dahil sa pandemya.


Kung hindi tayo magpaplano at kikilos, kinabukasan ng bansa ang manganganib, at hindi lamang bilyon, kundi trilyong piso ang mawawala kung hindi malulutas ang krisis sa edukasyon.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page