top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Libreng Sakay sa Pasig River Ferry, tuloy pa rin – MMDA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 28, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | December 28, 2022



Tuloy ang free ride program sa Pasig River Ferry Service kung saan nakatanggap na ng badyet para rito ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


“Meron pong binigay na pondo ang atin pong national government sa budget po ng MMDA para ituloy ang Libreng Sakay sa ating Pasig River Ferry,” pahayag ni MMDA deputy chairperson Undersecretary Frisco San Juan Jr. sa isang televised public briefing ngayong Miyerkules.


Ayon kay San Juan, ang pagpapatuloy ng naturang programang libreng sakay ay makatutulong na mapagaan ang sitwasyon ng trapiko sa mga lansangan.


Ang MMDA ay nagbibigay ng free rides sa Pasig River Ferry sa mga istasyon sa Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, Kalawaan, Guadalupe, Valenzuela, Hulo, Lambingan, Sta. Ana, PUP, Lawton, Escolta, at Quinta.


Samantala, sinabi ni San Juan na ang implementasyon ng motorcycle lanes sa kahabaan ng Commonwealth Avenue ay naging matagumpay. Plano ng MMDA na i-expand ang motorcycle lanes sa iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila.


Bukod dito, ayon kay San Juan, ang MMDA ay naghihintay na rin ng rekomendasyon mula sa mga concerned agencies para sa posibleng “green routes” na nakalaan para sa electric vehicles.


Una nang kinonsulta ng Department of Energy (DOE) ang MMDA hinggil sa pagse-set-up ng naturang green routes.


Ayon kay San Juan, nakatakda nang ipadala ng MMDA ang nasabing mga rekomendasyon sa Department of Transportation (DOTr.)


“Hinihintay po natin ang kanilang mga rekomendasyon at pag-aaralan po natin.


Pagkatapos po noon ay atin din pong ikokonsulta sa DOTr kung anuman ang kanilang magiging mga rekomendasyon,” saad ni San Juan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page