top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Libreng sakay out, discount sa pasahe in, puwede na

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2023
1 min read

@Editorial | Enero 26, 2023


Pinag-aaralan na ng Department of Transportation (DOTr) ang posibilidad na magbibigay ng mga diskuwento sa mga pamasahe sa mga manananakay ng EDSA bus Carousel.


Ang nasabing hakbang ay isa sa mga nakalinyang options sa halip na balik-libreng sakay sa EDSA bus carousel.


Tinitignan kung makapagbibigay ng subsidiya at mga diskuwento sa mga pasahero.


Isinangguni na rin nila ang plano sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).


Una nang inamin ng Mega Manila Consortium Corporation (MMCC) isa sa dalawang grupo na nagpapatakbo ng EDSA Bus Carousel na nabawasan ng 20 porsyento ang mga pasahero mula nang magsimula silang maningil ng pamasahe nitong Enero 1.


Anumang tulong sa pamasahe ay masasabing malaking tulong, lalo na sa mga manggagawa.


Mababawasan ang gastos at mailalaan ang pera sa ibang bagay.


Kaya umaasa ang nga pasahero na kung hindi man maibalik o maging permanente ang libreng sakay, kahit paano ay magkaroon naman ng diskuwento.


Sa panahon na halos lahat ng bilihin ay nagtataasan, talagang mapapakamot-ulo na lang. Pero kasabay nito ay nagiging mas masipag at madiskarte naman tayo. Kung may iba pang mapagkakakitaan, go lang basta marangal.


Lagi lang nating pakiusap sa mga kinauukulan, doblehin din ang sipag sa pag-iisip at pagpapatupad ng mga panuntunan o batas para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan.


Gasgas mang linya, wala naman talaga tayong ibang magagawa kundi ang magkaisa at abutin ang pangarap para sa sarili, pamilya at sa bayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page