top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Libreng sakay, malaking tulong sana kung matutuloy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 29, 2023
  • 1 min read

@Editorial | October 29, 2023


Marami ang natuwa nang ianunsyo kamakailan na magbabalik na ang libreng sakay.


Gayunman, nilinaw ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na hindi pa magbabalik ang “Libreng Sakay” ng gobyerno.


Taliwas ito sa naunang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbabalik na ang nasabing programa sa Nobyembre hanggang sa katapusan ng Disyembre dahil nakatakda nang ilabas ang P1.3 bilyong budget para rito.


Sa halip na libreng sakay, pinag-aaralan umano ang pagbibigay na lamang ng diskwento sa mga pasahero dahil kulang pa ang kanilang pondo.


Matatandaang natapos ang “Libreng Sakay” sa EDSA Bus Carousel noong Disyembre 31, 2022 makaraan ang pagtakbo nito ng dalawang taon.


Malaking tulong sa publiko ang makalibre sa pamasahe, lalo na sa mga manggagawa na malayu-layo ang trabaho. ‘Yung budget para sa pamasahe, puwedeng ilaan sa ibang bagay tulad sa pagkain o pangangailangan sa eskwela ng mga anak. Sayang lang dahil ito sana ang panahon na mas makatutulong ang programa dahil sa magtataasan na naman ang presyo ng mga bilihin. Hindi rin mapirmi ang presyo ng petrolyo.


Pakiusap sa kinauukulan, gawan din sana ng paraan na mapaglaanan ng pondo ang libreng sakay. Kung nagagawang maglustay sa ibang proyekto, bakit hindi sa mga mas makatutulong nang direkta sa taumbayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page