top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Libreng sakay, malaking tulong sa gitna ng taas-presyo

BULGAR
Nov 22, 2022
1 min read

@Editorial | November 22, 2022


Natuwa ang mga komyuter nang lumabas ang balita na tuloy ang Libreng Sakay sa susunod na taon.


Ayon sa isang mambabatas, naisama sa proposed 2023 national budget ang para sa libreng sakay na programa ng gobyerno.


Kaya naman malaki ang posibilidad na tuloy pa rin hanggang sa susunod na taon ang libreng sakay ng Department of Transportation (DoTr).


Ang Libreng Sakay program ng DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay inilunsad noong 2020 sa ilalim ng Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act para tulungan ang mga commuters at ang mga nasa public transport sector na apektado ng COVID-19 pandemic. Sa ilalim ng service contracting program, ang mga kasaling PUV operators at drivers sa free ridership program ay makatatanggap ng one-time payout at weekly payments base sa bilang ng kilometrong tinakbo ng kanilang sasakyan kada linggo kahit na meron o walang pasahero ang mga ito.


Ipinagpatuloy din ng DoTr ang pagpapatupad ng programa noong 2021 hanggang 2022.

Bagama’t may ilang isyu o kontrobersiya na nangyari tulad ng hindi umano maayos ang pasuweldo ang mga drayber. May pagkakataon din umano na sobrang haba ng pila dahil limitado ang bumibiyahe.


Sana, sa pagpapatuloy ng Libreng Sakay sa 2023, hindi na maulit ang mga naging problema sa halip, maging mas epektibo na ito at mas mapalawak ang serbisyo.


Masasabing napakalaking tulong ng Libreng Sakay lalo na sa panahon ngayon na nagmahal ang presyo ng mga bilihin.


Ang matitipid sa pamasahe, puwedeng mailaan sa ibang gastusin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page