Libreng kuryente para sa mga low-consumption households, isinusulong ni Rep. Marcos
- BULGAR

- 15 hours ago
- 1 min read
by Lester Bautista @Business | February 18, 2026

Photo: Sandro Marcos / FP
Panukalang libreng kuryente
Isinusulong ni House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos na gawing libre ang kuryente sa mga pamilyang may mababang konsumo ng kuryente.
Layon ng House Bill No. 2700 o ang "Free Electricity for Low-Consumption Households Act" na buwagin ang kasalukuyang cross-subsidy system, at palitan ito ng direct government subsidy para gawing mas abot-kaya ang kuryente sa buong bansa.
Sa ilalim ng panukala ni Rep. Marcos, kabilang sa eligible households ang mga residential consumer na ang average na buwanang pagkonsumo ay hindi hihigit sa 135 kilowatt-hours (kwh) sa nakalipas na tatlong buwan, o mayroong monthly bill na hindi hihigit sa P2,000.








Comments