Libreng health insurance sa e-wallet
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | August 7, 2026

Photo: File / Gcash Ginsure
Naglunsad ang isang digital e-wallet ng bagong feature na magpapalawak sa access ng insurance sa milyun-milyong Pilipino.
Sa pagbili ng load sa GCash app, makatatanggap ng libreng health insurance ang mga prepaid customer.
“Ang inisyatibong ito ng GInsure katuwang ang FPG Insurance, ay sumasalamin sa layunin ng GCash na gawing abot-kamay ang financial protection sa bawat Pilipino,” ayon kay Winsley Bangit, Vice President at Group Head ng New Businesses ng GCash.
Tiniyak naman ni Ren-Ren Reyes, president and CEO ng GCash mobile wallet operator G-Xchange, Inc. na may sapat na pondo para sa mga mag-a-avail ng health insurance.
Sa bawat pagbili ng load, makatatanggap ang user ng P10,000 na accidental death coverage. Maaari itong maipon sa maximum na P30,000 sa pamamagitan ng tatlong magkakahiwalay na load purchases.
Kapag naospital, makakakuha rin ng income assistance na P500 kada araw bilang salary assistance sa loob ng hanggang limang araw. Maaari ring makatanggap ng hanggang P10,000 disablement benefit.





Comments