Search
  • BULGAR

Libreng grocery para sa publiko, start na!


ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 12, 2021




Mabilis na nag-viral sa social media ang post ng isang netizen na proyekto ng religious group kung saan maaaring kumuha ng mga grocery items sa store ang mga nangangailangan nang walang babayaran kahit piso.


Umabot na sa 35K reactions, 5.4K comments at 29K shares ang Facebook post ng netizen na si Lovely Sotto.


Saad ni Sotto, “Get everything here for free! Walang babayaran kahit piso!


“Nakakatuwa ‘yung iba na pumunta kanina kasi sinasabi nila ‘Bibilisan ko lang po kumuha para po makakuha rin yung iba.’ Kahit hirap na sa buhay, iniisip pa rin nila ‘yung kapwa.


“Ang mayaman ‘pag tumulong sa kapwa, mabuti ‘yun. Pero ‘pag ang mahirap, tumulong sa kapwa mahirap, extraordinary ‘yun.”


Ang naturang free store ay bukas para sa publiko at proyekto ng religious group na Members Church of God International (MCGI) na pinamumunuan nina Bro. Eliseo F. Soriano at Mr. Public Service Kuya Daniel Razon.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.