Duterte, maaari nang litisin ayon sa ICC

by BRT @News | October 9, 2026

Photo: Rodrigo Duterte / ICC
Maaari nang humarap sa paglilitis si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos bumuti ang kanyang kalusugan, ayon sa International Criminal Court (ICC).
Sa desisyong inilabas nitong Huwebes ng gabi, sinabi ng mga eksperto na walang nakitang palatandaan ng paglala ng kanyang pag-iisip, bagama’t may ilang hindi pagkakatugma sa resulta ng pagsusuri.
Dahil dito, maaari nang personal na dumalo at makilahok si Duterte sa paglilitis na nakatakdang magsimula sa Nobyembre 30. Nahaharap siya sa kasong crimes against humanity.
Nasa kustodiya si Duterte sa The Hague, Netherlands, mula nang arestuhin siya noong Pebrero 2025. Patuloy siyang binibigyan ng pangangalagang medikal habang nakakulong.





Comments