Libreng bigas, kulang sa timbang... Mga mandaraya, lagot sa ‘kin — PBBM
- BULGAR

- Jul 14
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | July 14, 2026

Photo: Circulated / FB
Ipina-blacklist na ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang supplier ng bigas na namahagi ng kulang sa timbang na ibinigay sa publiko sa ilalim ng Bawat Bayan Makikinabang program sa naturang siyudad.
Ito ang ibinunyag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro kung saan nagpasya ang pamahalaang lungsod na i-blacklist ang supplier matapos matuklasang nasa 50 sako ang naglalaman lamang ng walong kilo ng bigas sa halip na 10 kilo.
“Ang impormasyon po na naibigay po sa atin ay 29,500 na sako ng bigas na may supposed to be 10 kilos na laman ang naipamahagi, pero approximately or ang estimate more or less 50 na sako ang sinasabing kulang sa kilo,” pahayag ni Castro sa Palace briefing.
“In-acknowledge po ito ng supplier at sila po ang nagkaroon ng pagkakamali dito. At humingi na raw po sila ng paumanhin sa Mandaluyong LGU,” ani Castro.
Idinagdag niya na bibigyan ng karagdagang sako ng bigas ang mga benepisyaryong nakatanggap ng mga sakong wala pang 10 kilo ang timbang.
“Ang aksiyon po ng supplier, ang sabi po, ang pangako ay papalitan ng buo na 10 kilos ang sako na nakakuha ng eight kilos, bibigyan ng additional na 10 kilos na bigas. At hindi na babawiin ang unang naibigay na mga eight kilos lang,” hirit ni Castro.
“Hindi po ito nanaisin ng Pangulo. Kung ano dapat na ibigay sa taumbayan, dapat ibigay,” dagdag ni Castro.





Comments